Time flies..patapos na naman ang 2005, parang kailan lang halos hindi ko naramdaman nalilipas na naman ang isang taon, pero ngayong taong ito lang ang mas may pinakamasaya at pinakamalungkot na mga pangyayari sa buhay ko. This year, marami akong binalikang alaala noong kabataan, facesna hindi ko inakalang makikita ko pang muli at lugar na hindi ko inakalang babalikan pa pagkatapos ng labing walong taon. Tablas, Romblon is my second home, where I spent my last two years in highschool. A short but colorful moment of my life. And on April, this year, I got a chance to see this beautiful place again and meet my former friends and classmates.
Pero sabi nga nila, pag may saya, may lungkot din. Just as it seems that everyday is sunny, my father passed away in the 31st of August after battling with lung disease and other complications. Pero kahit na nakahanda man kami, masakit pa rin ang pagkawala niya.This is the first time birthday the he cannot celebrate it with us. Our gifts for him will remain forever undelivered but it will stay in our hearts. I missed you, 'tay.
A reunion with my childhood friends perks up the year. Nakakatuwa at ang mga kababata ko noon ng kaunti, may mga nagtagumpay ng lubos, merong ganon pa din ang katayuan sa buhay. Nakakalungkot mang isipin na tulad ng ibang tao, marami sa mga luma kong kaibigan na pinili na lang ang buhay na kinasayan nila noong kabataan namin. But whatever theirchoice is, kaibigan ko pa rin sila na naging bahagi ng buhay ko. Kung hindi pa dumating si Baloloy na isa ng Briton, hindi pa matutuloy ang pagkikita kita.
Minsan naisip ko, mabuti pa noong bata pa kami, hindi namin ramdam ang hirap ng buhay. wala kaming responsibilidad at problema kundi kung paano lang tatakas sa tanghali sa mga magulang naming natutulog. Tuwing Disyembre, susunduin ang kaibigan para magsimbang gabi o mag serve sa misa de galyo, tapos, gala na o makikikain sa bahay ng kapwa kaibigan, hot chocolate lang at sandwich, ok na.
Malayong malayo na sa ngayon.
Well, this year too is when I opened my first internet cafe, with just a little capital and lots of hard work. On the bad side, the other business (consulting) didn't do well.
Overall, this year is a good year.
For me, just being healthy is enough to make me happy all year long...